Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Japeth 50-50 sa Game 2

0 140

Semis Game 2 ngayon (MOA Arena)
3:00pm — ***Ginebra vs NLEX
6:00pm – ***Magnolia vs Meralco
(***Angat sa serye, 1-0)

NAKAUNA ang Ginebra sa NLEX, pero may handicap ang Gin Kings sa Game 2 ng PBA Governors Cup ngayong araw sa MOA Arena.

Sa 95-86 win ng Gins sa opener, inabot ng ankle injury si Japeth sa second quarter lang at hindi na nakabalik.

Nagkasya lang si Japeth sa 4 points, 5 rebounds, hindi sigurado kung makakalaro na.

Sa kagandahan, nambarako ng 27 points, 14 rebounds, 6 assists at 4 blocks si Justin Brownlee kaya may sinakyan ang Ginebra.

Mainam ding 19-6-6 si LA Tenorio, 10 points, 10 rebounds si Christian Standhardinger at solidong 15 markers, 11 boards kay Scottie Thompson kaya naitawid ng hukbo ni coach Tim Cone ang panalo

“It put a real dampener on our win,” pag-amin ni Cone.
Sa kabila, pipigain ni coach Yeng Guiao sina Kevin Alas, JR Quinahan, Kris Rosales at Don Trollano para hindi maiwan sa 0-2.

Kailangan ni Cameron Clark ang ayuda dahil kinapos ang kanyang 30 points, 13 rebounds sa NLEX. (VE)

Leave A Reply

Your email address will not be published.