Una sa Balita

Japanese PM sunod na kakausapin ni Kim Jong-un

0 1,898

NILULUTO ng Japanese government ang summit sa pagitan nina Prime Minister Shinzo Abe at North Korean leader Kim Jong-un nga­yong Setyembre sa Russia.

Ayon sa Kyodo News, handa nama­n umano si Kim na ma­kipag-usap kay Abe nang maitanong ito, noong nasa Singapore ang North Korean leader para sa summit kay US President Donald Trump.

Itataon umano ang pag-uusap nina Abe at Kim sa annual economi­c forum na gagawin sa lungsod ng Vladivostok.

Isa sa layon umano ng Japan-North ­Korean summit ay ma­r­esolba ang isyu ng mga Japanese national na dinukot sa Pyongyang noong dekada ‘70 at ‘80.

Handa rin umano si Abe na ibaon na ang ‘unfortunate past’ sa pagitan ng dalawang bansa, kung saan inokupahan din ng Japan ang Korean Peninsula noong 1910 at 1945.

Higit 14 taon nang hindi nag-uusap ang lider ng Japan at North Korea, na ang pinakahuli ay noong kausapin ni Prime Minister Junichiro Koizumi ang ama ni Kim na si Kim Jong II sa Pyongyang.