Una sa Balita

Japanese encephalitis naitala sa Laguna

By
0 10

Isang kaso ng kinatatakutang sakit na Japa­nese encephalitis ang naitala sa lungsod ng Sta. Rosa, Laguna.

August 18 pa nang ipasok sa Perpetual Help Medical Center sa Biñan City ang batang lalaki na taga-Barangay Sinalhan.

Hanggang ngayon ay nanatili pa ito sa intensive care unit (ICU) ng nasabing hospital at wala pa ring malay.

Isang vector-borne di­sease ang Japanese encephalitis na nakukuha rin sa kagat ng insekto tulad ng lamok.

Ilan sa mga sintomas nito ay sakit sa ulo, lagnat, pagsusuka, at hirap sa paggalaw.

Sa ngayon, wala pang gamot sa nasabing sakit pero may mga gamot at bakuna para maiwasang tamaan nito.

Payo rin ng mga doktor na kaagad magpakonsulta sa mga espesyalista kapag nakitaan na ng sintomas.