Una sa Balita

Japanese doctor inambus sa Afghanistan

0 377

Nagluluksa ang mga mamamayan sa Afgha­nistan matapos mamatay sa ambush noong Miyerkoles ang nagkakawanggawa sa kanilang Japanese doctor.

Kinondena rin ng mga lider ng Japan at Afgha­nistan ang nangyaring pag-atake na pumatay kay Tetsu Nakamura at lima pang Afghans kabilang pa ang mga bodyguard ng doktor, driver at isang pasahero, ayon sa Straits Times report.

Isang dekada nang nanggagamot sa eastern Nangarhar province ang 73-anyos na si Nakamura.

Siya rin ang nanguna sa water project sa mga rural area kaya siya nabansagang ‘Uncle Murad’ dahil sa pagsisilbi niya sa mga mamamayan ng Afghanistan.

Binigyan siya ng honorary Afghan citizenship ni Afghan President Ashraf Ghani noong Abril.

Namatay si Nakamura matapos tambangan noong Miyerkoles ng umaga habang sakay ng sasakyan sa Nangarhar.

Patungo raw sana si Nakamura sa provincial capital na Jalalabad.
Sumailalim pa ito sa operasyon pero namatay din kalaunan. (Issa Santiago)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy