Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Japan trip ni Thirdy pabor sa Gilas PH

0 345

POSITIBO ang Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) na makatutulong sa programa ng Gilas Pilipinas ang nakatakdang paglalaro ni former Ateneo superstar Thirdy Ravena sa Japan Basketball League.

Ito ang tingin ni SBP president Al Panlilio, na naniniwalang magiging sandata ng 6-foot-2 swingman ang paglalaro sa Japanese division 1 team na San-en Neophoenix para mahasa ang talento at umubra sa Gilas Pilipinas.

Bago makaapak at maging unang Asian import sa Japan, naging matagumpay sa kanyang collegiate career sa University Athletic Association of the Philippines (UAAP) Season 82 si Thirdy.

Kasama rin si Thirdy sa Gilas squad na sumabak sa FIBA World Cup Asian Qualifiers noong nakaraang taon at nitong Pebrero ay nahilera rin sa first window ng FIBA Asia Cup 2021 qualifiers.

Pero sa kabila ng pag-angat sa kanyang karera, siniguro ni Panlilio na prayoridad at target pa rin ni Thirdy na maging parte ng Gilas. (Aivan Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.