Una sa Balita

Japan polls binagyo

By
0 24

Isang malakas na bagyo ang nagbabantang tumama sa Japan, isang araw bago idaos ang eleksyon. Ibinabala ng weather experts na babayuhin ng malakas na hangin at ulan ang araw ng halalan.

Inilarawan si super typhoon Lan na ‘very large’ at ‘very strong’ ng Japan’s Meteorological Agency bunsod nang dala nitong hangin na may lakas na 252 kilometers (157 miles) per hour sa taas na Pacific waters sa timog ng Japan.

Habang papalapit si ‘Lan’, tuloy ang pagdagsa ng mga botante sa mga polling precints kahapon ng umaga.

Ayon sa Joint Typhoon Warning Center of the US Navy, si Lan na isang super typhoon ay patuloy itong kumikilos sa silangan ng Okinawa na dadaan sa mga coastal areas at posibleng direktang tumama sa Tokyo at mga kalapit na rehiyon sa Lunes ng umaga.

Sa kabila ng masamang lagay ng panahon, lumitaw sa mga surveys na ang ruling bloc sa pangunguna ni Prime Minister Shinzo Abe ang makakakuha ng landslide victory.

Nanawagan si Abe sa mamayan na maagang bumuto para hindi abutan ng malakas na bagyo.