Una sa Balita

Japan niyanig ng magnitude 6.6 quake

By
0 4

Niyanig ng malakas na paglindol ang Tottori prefecture sa bansang Japan, ayon sa Japan Meteorological Agency (JMA).

Ayon sa ulat ng Associated Press, natukoy ang lindol sa lakas na magnitude 6.6, na ang sentro ay natukoy sa layong 700 kilometro kanluran ng Tokyo at may lalim na 10 kilometro.
Bagama’t malakas ang lindol ay wala namang inilabas na tsunami alert.

Wala namang iniulat na may nasawi o nasirang mga ari-arian sa nasabing lindol.