Una sa Balita

Japan nadale ng magnitude 6.7 lindol, 2 todas

By
0 172

Matapos ang pananalasa ng super typhoon, tinamaan naman ng malakas na lindol ang Japan kung saan nagdulot ito ng mga landslide at ilang kabahayan ang kinain ng lupa.

Ayon sa NHK, dalawang katao ang patay habang 40 naman ang iniulat na nawawala nang yumanig ang magnitude 6.7 lindol sa Hokkaido, na nasa hila­gang bahagi ng Japan, nitong alas-tres nang madaling-araw ng Huwebes.

Natukoy ang sentro ng lindol sa siyudad ng Tomakomai pero maraming kabahayan ang nasira sa Sapporo, ang capital ng Hokkaido, na may 1.9 milyong populasyon.

Noong Lunes, binayo ng malakas na bagyo ang wes­tern side ng Japan kung saan higit sa 11 katao ang namatay.

Tiniyak naman ng Department of Foreign Affairs (DFA) na walang Pinoy na naapektuhan ng hagupit ng bagyong Jebi sa Japan.

Sa tala ng DFA, mayroong 280,000 Filipino ang naninirahan sa Japan.

Mino-monitor na rin ng DFA kung may apektadong Pinoy sa malakas na lindol sa Hokkaido kung saan 1,800 Filipino ang naninirahan doon.