Una sa Balita

Japan inuga ng magnitude 5.3

By
0 3

Niyanig ng magnitude 5.3 na lindol ang ilang bahagi ng Japan.

Sa ulat, sinabi ng Japan Meteorological Agency na tumama ang nasabing lindol sa northernmost Hokkaido prefecture dakong alas-11:45 ng gabi.

Natukoy ang sentro ng lindol sa layong 42.8 degrees hilaga at 141.9 degrees silangan at may lalim ng 30 kilometro.

Naramdaman ang nasabing lindol sa Hokkaido prefecture sa Japanese seismic intensity scale na umabot sa magnitude 7.

Sa kabila ng malakas na lindol ay wala nang tsunami warning na inilabas ang Japan Meteorological Agency. Wala ring naitalang nasaktan o nasirang ari-arian.