Una sa Balita

Japan idinuyan ng lindol

By ,
0 1

Niyanig ng malakas na magnitude 6.4 na lindol ang southeast ng Tokyo, Japan kahapon ng umaga.

Ayon sa US Geological Survey (USGS), naitala ang sentro ng lindol sa layong 232 kilometro timog-silangan ng capital city na Tokyo at may lalim na 10 kilometro.

Sa ilalim ng karagatan naitala ang epicenter ng malakas na lindol.

Wala namang inilabas na tsunami warning ang Pacific Tsunami Warning Centre (PTWC) ng Hawaii matapos ang pagyanig.

Ayon naman sa Japan Meteorological Agency (JMA), posible ang pagbabago sa sea level ngunit hindi ito mapanganib.