Una sa Balita

Japan idinuyan ng lindol

By ,
0 1

Nakaramdam ng magnitude 5.4 na lindol kahapon ng tanghali ang Japan.

Ayon sa Japan Meteorological Agency (JMA), naitala ang sentro ng pagyanig sa Wakayama prefecture.

Gayunman, hindi nagpalabas ang JMA ng tsunami warning kasunod ng pagyanig.

Abante Hiring – IT dep

Wala rin anumang iniulat na napinsala sa kasalukuyan.

Nabatid na malimit na nakakaranas ng pagyanig ang Japan na isa sa pinaka-seismically active na bahagi ng mundo dahil ito ay nasa Pacific Ring of Fire.