Una sa Balita

Janna nagbanta sa mga manyakis

0 672

Ang matangkad na si Janna Lorenzo ang candidate number 2 para sa Batch 3 ng Abante Babe, Ganda Mo, Teh!

Si Janna, 22, taga-Masbate ay pangarap maging beauty queen na swak na swak ang height na 5’6” at vital stats na 35-25-35.

Hilig ni Janna ang magsayaw, mag-surf sa internet at maglaro ng volleyball.

Bet niya sa guy ay iyong matangos ang ilong at maganda ang mga mata.

Naniniwala si Janna na hindi sagabal ang kahirapan upang magtagumpay sa buhay.

Hiningan din si Janna ng komento sa issue ng ­sexual harassment sabi niya, “Sa victim, please continue your life…tsaka always be strong and call God kasi lagi siyang nandiyan para sa atin.”

“Sa nambibiktima, itigil niyo na iyan wala namang makukuhang maganda diyan tsaka masamang gawain iyan,” na tila may himig ng pagbabanta.
Para bumoto, gupitin lang ang article na ito (Janna Lorenzo Abante Babe #2-Batch 3 for October, 70% ang katumbas) at lakipan ng logo ng Abante na may petsa, lagyan ng pangalan ng nagpadala, address at telepono.

May sorpresang premyong nakalaan sa mabubunot na Abante reader buwan-buwan at may tsansa na makapanood sa grand coronation. Ipadala ito sa Abante office sa 3rd floor Karrivin Plaza Building, 2316 Chino Roces Avenue Extension, Makati City. Puwede ring sumadya sa opisina at ihulog sa drop box.

Mahigpit na ipinagbabawal na lumahok ang mga emple­yado at kamag-anak ng PRAGE Management Services hanggang sa second degree of consanguinity.

Puwede ring mag-like online sa photo ni Janna para sa karagdagang puntos (30%). Bisitahin ang Abante Facebook Page, AbanteTNT sa Instagram at website na www.abante.com.ph.

Sa mga gustong sumali, may go-see para sa Abante Babe this Sunday (October 28) 1pm onwards sa Abante Makati office (nasa taas ang address). Magdala ng dalawang set ng swimwear at isang sexy dress. Tumawag sa 09053595091. (Jean M. Pasco) para sa detalye.

[aigpl-gallery-slider id=”152993″]

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy