Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Janine umamin sa ‘relasyon’ kay Paulo

0 154

Mukhang umamin na si Janine Gutierrez sa totoong estado nila ni Paulo Avelino. Na may romantic angle na nga sa kanila, o magdyowa na nga talaga sila.

Para sa birthday message niya kay Paulo, pinost ni Janine ang throwback photo ng aktor na suot ang colored jacket.

Makikita sa caption ang pasimpleng pag-amin ni Janine, dahil sa tatlong heart icon na idinugtong nito sa sa kanyang birthday post.

Ibig sabihin ng tatlong heart icon sa post ni Janine, magdyowa na nga sila.

Wala namang kumontra sa post ni Janine, at bagkus kinilig talaga ang kanilang mga tagahanga.

Kuha ang larawan sa pinakahuling concert tour nina Janine, Paulo sa Amerika. (Rey Pumaloy)

Leave A Reply

Your email address will not be published.