Una sa Balita

Janine sumabit sa building

By
0 251

Nagpaka-Angelina Jolie, Charlize Theron at Jennifer Lawrence si Janine Gutierrez dahil sa hindi paggamit ng stunt double sa isang buwis-buhay na eksena sa telefantasya na “Victor Magtanggol”.

Delikado nga ang hindi paggamit ni ­Janine ng stunt double dahil sumabit ito sa tabi ng isang lumang building. Ang eksena kasi ay ­hinahabol siya ng isang malaking halimaw at nakakapit siya sa mga bakal na nakausli sa tabi ng ­building.

Sa umpisa pa lang daw ay sinabihan si Janine na gagamitan siya ng stunt double dahil ayaw nilang may masaktan na artista sa set. Pero ­naglakas-loob si Janine na gawin ang eksena na walang dobol.

Sa kanyang Instagram ay pinost ni Janine ang nakunang eksena sa monitor.

“*watches Mission Impossible once* #VictorMagtanggol in a few minutes on GMA!! #VMHammermanonTV PS I’m kidding, I watched all. Thank you Direk Dom and Direk Ralph and our amazing stunt team at VM!! Medyo nerbyosa at matili lang talaga pag nagugulat.”

Nasabi naman ni Janine na ready siya sa anumang action scenes na ipagawa sa kanya sa “Victor Magtanggol”. Nag-training naman daw siya kasama ang ibang cast para maging handa siya sa anumang delikadong eksena.

In fairness kay ­Janine, kahit buwis-buhay na ang eksena, fresh na fresh pa rin siya at hindi mukhang haggard!