Una sa Balita

Janine, Rayver type mag-honeymoon sa Palawan

By
0 840

abante-talbog-joe-barramedaBagay na bagay raw si Janine Gutierrez na bida sa “Dragon Lady.” Sa tunay na buhay raw kasi ay dragon siya sa mga kapatid niya, bilang protective sister. Ganun din daw siya kapag nagugutom na sa gitna ng matinding traffic, nagiging dragon siya.

Dream come true rin sa kanya ang makatambal si Tom Rodriguez na noon ay iniidolo niya at talaga raw sinubaybayan niya ang “My Husband’s Lover.” Nakasama na ni Janine si Tom sa “Magpakailanman” at doon nakita ng GMA na may chemistry sila.

Ang “Dragon Lady” ang papalit sa “Asawa Ko, Karibal Ko” na tinututukan ng sambayanan kaya mala­king hamon sa “Dragon Lady” ang timeslot na iyon after “Eat Bulaga.”

“Excited ako kasi ngayon lang ako magkakaroon ng ganito ka-strong talaga na character. And additional challenge nga ‘yung bumubuga siya ng apoy. So iyon talaga ‘yung kakaiba,” sabi ni Janine.

Siyempre, kinumusta namin kay Janine ang relasyon nila ni Rayver Cruz.
“Okay naman po,” tugon niya.

Sabi ni Rayver ay may utang ito sa kanya? Sa halip daw kasi na mag-date sila ay isinama ni Rayver si Janine nitong Valentine’s Day sa puntod ng ina ni Rayver, si Beth Cruz, na namatay a month ago, February 2, sa sakit na pancreatic cancer.

Anyway, pangarap ni Janine na makapagbakasyon ng ilang araw sa Amanpulo na isang very exclusive resort sa Palawan. Sinabi raw ito ni Janine kay Rayver na gusto niya roon sila mag-celebrate ng birthday niya sa October. Hindi pa raw kinumpirma ni Rayver sa ngayon.

Kailangan kasi nilang pag-ipunan ‘yun sa mahal ng Amanpulo na inaabot ng 2,000 dollars per night ang kuwarto lang. Wala pa ang pagkain at plane fare na inaabot ng 500 dollars ang roundtrip.

Kaya naman mga sikat na Hollywood stars at mayayaman ang makakapunta doon maliban na lang kung may mag-sponsor sa’yo. Dream ko rin makarating doon. Diyos na lang ang nakakaalam kung matutupad ang pangarap kong yun.

Gusto rin ni Rayver magbakasyon after ng “Asawa Ko, Karibal Ko” pero malabong makasama si Janine dahil kakaumpisa pa lang ng “Dragon Lady” at pupunta rin siya ng Amerika sa May para dumalo sa isang event ng kaibigan.

Siyanga pala, maganda ang mga memory ni Janine sa namatay na ina ni Rayver.

“Mabait ‘yung mommy niya, sobra! Siya na ‘yung pinakamabait na nanay… sobra!”
Pinakamabait na future mother-in-law sana?

“Sobra mabait po talaga. Atsaka dun mo makikita kung bakit ganun kabait si Rayver at sina Rodjun kasi mana-mana talaga sila,” sabi pa ni Janine.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy