Una sa Balita

Janine, Rayver todo displey ng lambingan sa US

0 535

abante-anything-goes-jun-lalinNoong Sunday night ay nag-post na rin sa kanyang Instagram account si Janine Gutierrez ng picture nila ni Rayver Cruz habang magkasama sa Los Angeles, California.

Kuha sa Santa Monica Pier ang picture nila ni Rayver na pinost ni Janine.

Noong Thursday ay nai-post na rin ni Rayver ang picture nila ni Janine habang nasa Disneyland sa Anaheim naman sila.

Feeling ko talaga ay malapit nang umamin ang mag-sweethearts tungkol sa relasyon nila!

Snooky, Ramon pakakasal na

Nakita ko si Snooky Serna sa Greenhills, San Juan the other night. Kasama ko si Annabelle Rama at sinabi niya kay Snooky na hindi niya ito kaagad namukhaan.

“Tita Annabelle, tumaba kasi ako,” sabi naman ng aktres.

Sabi ko kay Snooky, pumayat na siya noong makita ko sa Christmas party ng mana­ger niyang si Leo Dominguez, pero sabi niya, dahil sunod-sunod ang mga pinuntahan niyang Christmas parties at wala rin munang work, kaya tumaba siya.

“Pero I will try na magpapayat,” sabi ni Snooky.

Happy naman sa kanyang love life si Snooky dahil that night ay kasama pa niya ang boyfriend na si Ramon Villaramaz. Marami nga pala ang humuhulang very soon ay magpapakasal ang dalawa.

Maunahan kaya nila ang ex-husband ni Snooky na si Ricardo Cepeda at ang girlfriend nito na si Marina Benipayo? Noon pa kasi napapabalitang magpapa­kasal na ang dalawa.

Hindi ko na nga pala inuusisa kay Snooky si Ricardo dahil ang alam ko, hindi naman sila naging close pa after ng kanilang failed marriage, huh!

Pops naglabas ng milyones para kina Ai-Ai, Bayani

Si Pops Fernandez ang producer ng latest movie ni Ai-Ai delas Alas. Mas type na lang kasi ni Pops na nagpoprodyus kesa siya ‘yung kuma­kanta o umaarte.

‘Yung pagkanta, medyo ginagawa pa rin niya paminsan-minsan sa mga corporate show, pero ayaw na rin niyang mag-concert. Ang pag-arte naman, kinalimutan na talaga ni Pops!

Anyway, ‘yung Ai-Ai movie ay kasama rin si Bayani Agbayani na ginuest pa ni Pops sa kanyang internet show, ang Pops-sibilities.

Si Rechie del Carmen ng GMA 7 ang direktor ng movie nina Ai-Ai at Bayani at nang magkita kami sa isang hotel ay naikuwento niyang naka-three shooting days na sila.

Magaling nga pala sa negosyo si Pops, kaya naniniwala ako na marami pa siyang mga pelikulang ipo-produce! At sigurado ako na mapapalago pa niya ang kanyang milyones.

Magandang aktres gusto nang umalis sa GMA

Inaabangan pa rin ang sinasabing nalalapit na paglipat sa ABS-CBN ng isang pretty face from GMA 7. Matuloy kaya talaga ang lipatan na ‘yon o baka matulad din ‘yon sa isang aktor na kahit gustung-gusto bumalik na sa Kapamilya network ay may option to renew naman pala ang Kapuso network sa nag-expire na kontrata nito?

O baka naman kiyeme lang ang sinasabing balak na paglipat ni pretty actress para mataranta ang mga taga-siyete?

Well…