Una sa Balita

Janine, Rayver relasyon buking sa lambingan photo

By
0 1,119

Nakakaintriga ‘yung post ni Janine Gutierrez sa Ins­tagram na mahigpit ang yakap sa kanya ng rumored boyfriend niyang si Rayver Cruz, huh!

May caption ang foto na, “I pro­mise I’m staying home tonight.”

Wala pang kumpirmasyon ang dalawa sa kanilang relasyon eh sa huling pakikipag-usap kay Janine sa storycon ng Regal movie niyang Elisse, nanliligaw pa rin daw sa kanya si Rayver, huh!

Pinusuan naman ng celebrities gaya nina Thea Tolentino, Valeen Montenero, Kate Valdez, Dianne Medina ang post ni Janine at naglabas ng kanya-kanyang emoticon sina Lara Quigaman, Marc Abaya, at Rodjun Cruz, kapatid ni Rayver.

Aprubado naman sa mga netizen ang pagkakaroon ng relasyon ng dalawa dahil rason nila eh bagay na bagay silang dalawa at nakakakilig ang dating niya.

Idiniin naman ni Janine na hindi sila pupunta sa isang ball
nung i-post niya ang pic nila ni Rayver.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy