Una sa Balita

Janine, Rayver ‘di pa handang magpakasal

0 449

Panay ang tukso ko kay Janine Gutierrez sa special screening ng pelikula niyang “Babae at Baril” na ginanap sa Platinum Cinema ng Gateway Mall. Na hirit ko nga sa kanya, kaya ako nagpunta sa event na ‘yon ay dahil nabalitaan ko na may ia-announce siya.

Eh, kasama nga niya si Rayver Cruz sa special screening na ‘yon, kaya lalo kong hiniritan ang dalaga.

“Anong announcement?” patawa-tawang reaksyon ni Janine.

‘ Yung usong-uso ngayon, na tulad nu’ng ini-announce nina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli.

“Hahahahaha! May announcement ka ba?” tanong ni Janine kay Rayver, na nakisakay na lang sa pangungulit namin.

Anyway, giit ni Janine, malabo pang mangyari ‘yon sa ngayon.

“Wala pa talaga!” saad niya.

Eh, ang dami nang checked sa ‘bucket list’ niya, ha!

“Pero, marami pang blank, eh!”

So, wala pa talaga? Paano kung biglang mag-ala-Matteo si Rayver sa kanya?

“Bata pa ako! Sabi ko nga marami pa akong plano. Ang next goal ko ay maipaayos ang house namin sa Fairview. Ipapa-renovate ko lang, dahil gusto ko na komportable sila roon ang daddy ko, mga kapatid ko.”

Anyway, tuwang-tuwa si Janine kay Rayver, dahil super husay raw nitong makisama sa mga Kapuso star.

“Nu’ng may event ang GMA, hala mas Kapuso na siya kesa sa akin. Iniikot niya lahat ng table. Wow, ang bilis niyang mag-adjust. Ang dami niyang kilala. Close rin siya sa mga boss.”

Siyanga pala, may karapatan naman talagang manalo ng best actress si Janine sa QCinema para sa “Babae at Baril”, dahil napakahusay nga niya sa movie na ‘yon, bilang isang babae na biktima at lumaban. At puwede ngang humamig pa siya ng award sa susunod na taon.

“Nagulat talaga ako na nanalo ako sa QCinema. Ayoko mag-expect dahil super happy na ako sa nakuha ko ngayon.

“Super happy ang mommy ko, sabi nga niya, ‘I knew it’. Siguro bilang nanay lang proud talaga siya sa akin,” sabi na lang ni Janine.

Carlo takot nang pag-usapan si Angelica

“Gusto ko siyang makausap nang personal, ‘yung kami lang dalawa.”

‘Yan nga ang sabi ni Carlo Aquino sa pangungulit sa kanya ng mga reporter sa presscon ng “Bagman 2” (iWant Originals).

Kasi nga, ayaw mamatay-matay ang usok sa away nilang dalawa ni Angelica Panganiban, dahil nagdayalog nga ulit ang aktres na may patama kay Carlo.

Pero, sabi nga ni Carlo, hindi na lang siya magsasalita, at mas gusto na lang niya na mag-usap sila na sila lang dalawa.

Pero, ang alam kasi ni Carlo, medyo okey na sila, dahil nagkita naman daw sila sa isang event, at nag-hi and hello naman daw sila.

“Nagkasalubong kami sa isang event, tapos ‘yon, nag-hi naman siya. Kasama niya si John Pratts noon.”

Marami pa ngang tinanong kay Carlo tungkol kay Angelica, pero tumanggi na talaga siyang magsalita.

“Ayoko na lang magsalita, kasi kapag nagsalita ako, parang mas lalong lumalalim ‘yung nangyayari, na sama ng loob, kaya hanggang maaari, huwag na lang magsalita.

“Mas importante sa akin na makausap ko siya nang personal, kesa magpasalin-salin pa ang kuwento,” sabi niya.

May effort ba naman si Carlo na kausapin si Angelica?

“Sa ngayon siyempre, busy siya, busy rin ako. Siguro mas maganda na mag-usap na lang talaga kami. Mahirap kasi na sa tuwing ganyan, nama-magnify talaga.

“Kung may chance na makausap ko siya, gagawin ko talaga,” sabi na lang ni Carlo.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy