Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Janine, Paulo nilantad sakalan, saksakan sa taping

0 36

Bentang-benta ang ‘bardagulan’ nina Janine Gutierrez at Paulo Avelino sa social media.

Bardagulan ang tawag ngayon, sa karinyo brutal na eksena noon.

Ito nga `yung pagmamahalan na dinadaan sa matinding sakitan. Pero siyempre, sakitan na hindi naman totohanan.

Sa latest Instagram post ni Janine na pinakita niyang yakap-yakap siya ni Paulo, na mukhang eksna sa teleserye nila sa Kapamilya channel na ‘Marry Me, Marry You’ nagkomento nga si Paulo.

“Kitang-kita yung sugat ko sa kamay nung tinusok mo ako ng ballpen!” sabi ni Paulo.

“Hindi na nga ako makahinga. Sabi mo yakap, sakal pala!” sagot naman ni Janine.

“Sakal? O sakaling ‘di nila mapansin na sinasaktan mo ako off cam. Send me band aid pls,” sagot uli ni Paulo.

“Aminin mo na kasi na puro pananakot ang binubulong mo diyan para lang magpa-picture ako sayo! Kalma ka lang, papayag naman ako eh!” sabi naman ni Janine.

“Mukha ba akong mahilig magpakuha ng picture? Pumikit na nga lang ako para bahala na si Batman. Ikaw tong mahigpit yung hawak sa braso ko para masiguradong hindi ako makawala,” sey na naman ni Paulo.

“Papahanap ko yung CCTV para makita ng lahat na yung isa kamay mo naka-kurot sa tagiliran ko at yung mga paa mo nakatapak pa sa akin. Kalma ka lang Pau!!!” sey ni Janine kay Paulo.

“Sige para makita nilang lahat yung takong mo na nakabaon sa paa ko. Tapos yung kape kong nilagyan mo ng asin!” sambit na naman ni Paulo kay Janine.

“Coke yung nilagyan ko ng asin hehehehe hindi kape!” sabi naman ni Janine.

Kaloka, di ba? Akala mo totoo!

Pero, ramdam mong super chika, super close silang dalawa, na bongga ang asaran nila sa taping nila. (Dondon Sermino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.