Una sa Balita

Janine napagkamalang si Pilita

0 323

Mamitang-mamita ang “Dra­gon Lady” star na si Janine Gutierrez dahil sa latest photo shoot nito para sa Preview magazine kunsaan kasama niya sa cover ang kanyang lola, Asia’s Queen of Songs Pilita Corrales.

Naka-retro look ang mag-lola at kitang-kitang ang malaking pagkakahawig ni Janine sa kanyang Mamita Pilita. Mula sa buhok, damit, sapatos at sa pag-pose ay kuhang-kuha ni Janine ang signature style ng kanyang lola.

“Mamita #PilitaCorrales and granddaughter #JanineGutierrez find common ground in the things that defy the generation gap. Among them, copious amounts of family love and fashion savvy,” post pa ng Preview sa kanilang Instagram account.

Kabilang nga raw si Pilita sa nagpu-push kay Janine sa kanyang magandang career ngayon. Kaya excited ang Kapuso actress sa pagsasama nila ni Mamita sa isang magazine cover.

“Anything I wear is nice for her and that has made me confident. And when there’s someone really important encouraging you, it’s a big thing. What other people have to say just fades into the background,” sey pa ni Janine tungkol sa kanyang Mamita. (Ruel Mendoza)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy