Una sa Balita

Janine napagkamalang si Kendall Jenner

By
0 3,891

Todo-pasiklab si Janine Gutierrez sa digital cover ng isang glossy magazine. Bumagay pa ang kanyang blonde na buhok kaya nagmukha tuloy siyang foreigner.

May pa-puwet din ang Kapuso artist sa suot niyang apple green na swimsuit, huh!

Ayon sa caption ni Janine, binabasa lang niya nu’ng high school ang naturang magazine. Hanggang nag-landing siya ng solo cover nu’ng 2015.

Kaya naman honored siya dahil siya ang cover sa magazine sa pagsisimula ng tag-init. Sure ako na marami ang nag-init lalo na ang mga kalalakihan na type na type ang kagandahan ni Janine.

At kahit ang mga kapwa niya artista ay humanga rin sa kanya. Kahawig nga raw ni Janine si Kendall Jenner ha.

Anyway, heto ang komento ng ilang celebrities sa pictures ni Janine sa beach:

“GRABEEEEE,” – Lovi Poe.

“Graaaaaabe!!! Ang gandaaaaa!!!!” – Iya Villania.

“GIRL!!!!” – Sarah Lahbati.

“Though it was Kendall Jenner @janinegutierrez” – Sofia Andres.

Mariel de Leon willing maghubad sa Regal movie

Balik sa pagdidirek si Eric Quizon. Kinuha siya ng Regal Entertainment para idirek ang pelikulang pagsasamahan nina Solenn Heussaff at Paolo Ballesteros, ang Two Mommy.

Isa lang ang movie nina Paolo at Solenn na sisimulan ng Regal. Anytime this month, magsisimula na si Direk Joey Reyes sa barkada movie niyang Walwal. Natapos na ang acting workshop ng mga bidang sina Elmo Magalona, Jerome Ponce, Donny Pangilinan at Kiko Estrada.

In the can na rin ang Recipe For Love ni Direk Joey na pinagbibidahan nina Christian Bables at Cora Wadell. Nasa post production stage naman ang pelikulang So Connected nina Janella Salvador at Jameson Blake mula sa direksyon ni Jason Paul Laxamana.

Sa huling bisita namin sa Regal, kausap nina Mother Lily at Roselle Monteverde si Mariel de Leon kasama ang manager niyang si Leo Dominguez. Nang sabihin sa former Bb. Pilipinas-International na may daring scenes ang project na gagawin niya, wala raw itong problema sa kanya, huh!