Una sa Balita

Janine malabo nang maging beauty queen

By
0 5,442

Super puri ang mga fan sa Instgram post ni Janine Gutierrez na kung saan ay suot niya ang gown ng lola niyang si Pilita Corrales. Imagine, hindi pa yata pinanganganak si Janine nung mga time na sinusuot ni Miss Corrales ang mga gown na nasusuot niya ngayon.

Pero, bagay na bagay, kering-keri ni Janine ang gown, at hindi halatang nilipasan na ito ng panahon.

Kahit ang mga beauty queen ay humanga sa kaseksihan, kagandahan ni Janine sa suot nitong gown ng Lola Pilita niya.

‘Trying on Mamita’s clothes since the 90s,” sabi lang ni Janine sa photo na ‘yon.

Well, marami ang nagpapayo kay Janine na sumali sa Bb. Pilipinas, dahil taglay niya ang mga katangian ng isang beauty queen. Matangkad, seksi, maganda, edukada, at hindi eskandalosa, kaya malaki ang chance niya na maging beauty queen.

Pero, sorry na lang, dahil si Janine ay pinanganak nung October 2, 1989, kaya nangangahulugan lang na magtu-29 na siya. Meaning, hindi na siya pasado sa age limit ng mga beauty contest, na 26 o 27 years old.

Sayang naman…

Zambales nagliyab sa kaseksihan nina Rhian, Lovi

Sa isang beach sa Zambales nagtungo ang buong cast ng The One That Got Away para sa taping ng primetime soap. Perfect location talaga ito lalo na ngayong summer.

Kaya naman bukod sa maiinit at nakakakilig na mga eksenang kinunan, nagkaroon din ng extra time ang cast na i-enjoy ang lugar para mag-relax at mag-bonding. Kanya-kanyang post ng photos sina Rhian Ramos, Jason Abalos, Ervic Vijandre at Lovi Poe kasama ang iba pang cast members habang nagtatrabaho and at the same time ay sinusulit ang kanilang bakasyon sa beach resort. Exciting, huh!

Nam Joo Hyuk, Shin Se Kyung ­magpapakilig sa GMA

Simula April 11 ay mapapanood na ang Bride of the Water God sa GMA The Heart of Asia kung saan bibida si Nam Joo Hyuk bilang Habaek, isang Water God na pupunta sa mundo ng mga tao para sa isang misyon.

Para maging ganap na hari, hahanapin ni Habaek ang mga mahihiwagang bato na makatutulong sa kanyang misyon at kakailanganin niya ang tagapag­lingkod niyang si Lara (Shin Se Kyung) para rito. Si Lara ay isang neuro-psychiatrist na takot sa tubig at hindi naniniwala sa kahit anong supernatural.

Sa paghaha­nap niya sa mga bato ay papasok sa eksena si Henry (Lim Ju Hwan) isang CEO na interesado kay Lara. Bubuntot naman kay Habaek ay ang long-time admirer niyang si Moora/Ciara (Krystal Jung), isang Water Goddess na sa sobrang ganda ay naging sikat na artista sa mundo ng tao.

Samantalang eeksena rin si Biryeom/Charlie (Gong Myung) ang dating ka­klase ni Lara sa college na isa rin palang Sky God.

Paano matutulu­ngan ni Lara si Habaek sa paghahanap ng bato? Paano niya mapapaibig ang isang babaeng takot sa kanyang kapangyarihan?

Sundan ang kanilang kwento sa Bride of the Water God tuwing Lunes hanggang Huwebes pagkatapos ng The One That Got Away sa GMA.