Una sa Balita

Janine mala-anghel, dyosa sa paningin ng direktor

0 642

abante-i-know-better-jun-nardoSumabak na si Janine Gutierrez sa una niyang movie sa Regal, ang Elise. Nag-swak na rin kasi ang schedules nila ng kapareha niyang si Enchong Dee kaya nagkaroon na ito ng story conference last Tuesday.

“Actually, matagal na itong project namin. Hindi lang magtugma ang schedules namin dahil si Enchong may Blood Sisters, ako may Victor Magtanggol. Ako, M-W-F, siya, T-TH-S ang tapings. Nausog nang nausog. Ngayon lang matutuloy.

“Matagal ko rin siyang hindi nakita. Minsan, may dinner o nu’ng Pasko, dinner. Tapos, nagsama kami sa Lilac pero magpinsan ang role namin. Kaya kilala ko na siya before and excited kami na magsama kasi maganda talaga ‘yung script eh,” pahayag ni Janine.

Ayon naman sa writer-director ng movie na si Joel Ferrer, parang anghel ang tingin niya kay Janine kapag umaarte.

“Actually, nagpaka-humble pa ako. Parang goddess na hindi mo maabot,” say ni Joel.

***

Hindi muna binisto ng direktor na may kissing scene sina Janine at Enchong. Sabi naman ni Janine, “Wala naman akong limitations. Hindi naman R-18 ang mo­vie namin.”

May nagbabawal ba sa kanya?

“Wala. Wala! Ha! Ha! Ha!” diin ng Kapuso actress.

Well, ano kaya ang masasabi ni Rayver Cruz, na mauunahan pa siya ng bestfriend niyang si Enchong (kagrupo rin nila si Gerald Anderson)?

***

At kahit magsu-shoo­ting na ng movie, tuloy pa rin siya sa Victor Magtanggol.

“Panalangin na lang po. Ha! Ha! Ha! Na maaga-aga ka­ming ma-pack sa Victor. Suwerte naman dahil very understanding ang staff ng series. Saka kung si Alden nga maraming ginagawa, siguro naman, magagawan din ng paraan. Cut off, cut off na lang. Sana gusto ko kasi ito eh,” rason ni Janine.

So adjusted na siya sa mga basher niya sa VM?

“Wala na ba? Hindi ko alam. Pinatay ko na ‘yung Twitter ko. Sa Instagram meron pang konti. Naiintindihan ko naman dahil medyo naninibago sila.

“Alam ko rin ang feeling na ‘pag sobrang gusto mo ang isang team up o couple, siyempre nandoon ‘yung pagmamahal mo. Pero thankful din ako na maraming sumusuporta. Maraming excited lalo na nu’ng nag-Cebu, Visayas kami,” saad niya.

Naapektuhan din ba siya kaya niya pinatay ang Twitter niya?

“Nagiging dependent na kasi ako sa Twitter. ‘Yung paggising ko, ‘yun ang una kong tinitingnan. Sa Twitter, pahinga. Kasi parang natatakot na ako na baka maniwala na ako sa sinasabi ng ibang tao. Ibabalik ko na lang pag…Inaayos ko muna kasi may inihahan­da rin akong website. Sabay-sabay kong ibabalik!” bulalas ni Janine.