Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Janine makirot ang nakaraan

0 33

Tagos sa puso ng mga manonood ang kwentong pampamilya nina Paulo Avelino at Janine Gutierrez sa “Marry Me, Marry You”.

Magkahalong saya at kirot ang naramdaman ng mga manonood sa pilot episode kung saan ipinakilala ang masayang pamilya ni Camille (Janine) kasama ang mga ninang niyang sina Elvie, Marvi, at Paula (Cherry Pie Picache, Vina Morales, Sunshine Dizon), bago pumanaw ang ina ng dalaga dahil sa sakit na cancer.

Binahagi ng netizens sa social media ang mga papuri para sa nakakaantig na kwento ng serye at mahahalagang aral tungkol sa pagmamahal at pamilya.

“Napanood ko na po ang advance episode sa iWantTFC, pinanood ko ulit sa Kapamilya Channel, kudos @DreamscapePH. The series is so refreshing, very light pero nakakadurog ng puso,” ayon sa Twitter user na si @denydaveee.

Sabi naman ni @JustBGYO, “This new teleserye of ABS-CBN is just so good. This is very poignant and a feel-good kind of teleserye. Nakakaiyak. Nakakatuwa. Daming learnings. All the elements of a great series nandito na sa Marry Me Marry You. Kudos to ABS-CBN!”

“Sobrang nakakatuwa ‘yung role ni Sunshine, Picache, Vina, maganda ‘yung collab nilang tatlo! Kahit kailan talaga maganda gumawa ng mga teleserye ang ABS-CBN. Tsaka ‘yung flow nakakalambot ng puso, may mga aral talagang mapupulot sa teleseryeng ito!” komento ni Roniel Estaniel sa YouTube.

Sa pagpapatuloy ng kwento, magkikita sa unang pagkakataon si Camille at si Andrei (Paulo), ang supladong CEO ng isang tech company. Hindi agad magkakasundo ang dalawa pero magiging interesado si Andrei sa buhay ng dalaga matapos mapunta sa kanya ang pagmamay-aring bracelet ni Camille na kapareho ng sa kanya mula sa pagkabata. (Dondon Sermino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.