Una sa Balita

Janine laman ng puso, isip ni Rayver

0 374

Aminado si Rayver Cruz na maangas ang alindog ni Julie Anne San Jose na madalas ay nakabalandra sa social media. Sa tuwing maglalantad ng kanyang alindog si Julie Anne ay nawiwindang talaga ang mga netizen.

Sabi ni Rayver, walang dudang napakaseksi ng kanyang co-host sa “The Clash Season 2”, na talagang kinabibiliban niya. Napapailing nga raw siya kapag nakikita niya si Julie Anne na napakalakas kumain at hindi nagdi-diet pero walang ipinagbago ang slim figure nito.

Naiinggit nga si Rayver sa appetite ni Julie Anne dahil siya ay ingat na ingat sa pagkain.

Pero, kahit saksakan ng sexy si Julie Anne, malabo raw ma-in love si Rayver sa kapwa Kapuso star dahil kay Janine Gutierrez na ang puso at mga mata niya.

Nananatiling “chill” pa rin ang relasyon nina Janine at Rayver sa kasalukuyan, na walang labeling. Ayon kay Rayver, mas kampante sila sa kanilang samahan.

Anyway, masayang-masaya si Rayver sa hosting project niya sa “The Clash 2”. Mailalabas na raw kasi niya ang kanyang totoong personality bilang isang kalog, malikot at madaldal na tao.

Sa September 21 (Sabado) na mapapanood ang “The Clash 2” pagkatapos ng “Daddy’s Gurl” at tuwing Linggo naman ay pagkatapos ng “Daig Kayo ng Lola Ko.”

Iñigo, Akasha bagay na magdyowa

Si Iñigo Pascual ang pinakamabango sa Star Music sa henerasyon ngayon sa paglabas ng bago niyang single na “Adios” under ng Star Music. Hindi ordinaryo ang kanta dahil ka-duet niya rito ang Singaporean hip-hop/R&B singer na si Akasha, at kabilang din sa project bilang collaborator ng Star Music ang Academy of Rock sa Singapore.

Hindi pa man humuhupa ang init sa ere ng “Catching Feelings”, ang unang international single ni Iñigo, sinundan na ito ng “Adios” with Akasha.

Nitong nakaraang June, umere na rin sa mga music download sites ang isa pang duet song ni Iñigo sa Australian #1 YouTuber na si Wengie para sa “Mr. Nice Guy”.

To date, si Iñigo na ang may pinakamaraming sunod-sunod na international release na single sa bakuran ng Star Music.

Ayon sa Star Music Head at Album producer na si Jonathan Manalo, ang international image at sounds ni Iñigo ang pinaka-importanteng factor kung bakit ito ang sinugalan nila ng international music career.

Patuloy ni Jonathan sa “Adios” duet song ni Iñigo kay Akasha, tumulong at nagbigay ng malaking suporta ang Academy of Rock sa project na ito, dahil naniniwala sila sa kakayahan ng Kapamilya singer.

Hindi imposibleng mabuo ang music love team kina Iñigo at Akasha lalo’t napakaganda at napakahinhin ng Asian singer. Marami ang kinikilig sa team-up ng dalawa lalo ‘pag nasa stage na sila at kinakanta ang kanilang “Adios”.

Michael lalong tumindi ang pagmamahal sa misis

Sa walong taong pagsasama bilang mag-asawa ay hindi pa rin humuhupa ang tindi ng pag-ibig ni Michael de Mesa sa misis niyang si Julie Eigenmann. Nag-throwback si Michael sa kanyang Instagram ng wedding pictures nila ni Julie at sa caption ay mababasa ang dedication, message nito na nagpapahayag ng malaking pag-ibig sa asawa.

Mistulang parang bagong kasal ulit sina Michael at ang asawa sa nilalanggam sa tamis ng mensahe nito para sa asawa, na ayon sa kanya ay nagsakripisyo nang husto para sa kanyang kaligayahan.

Sa support na ibinibigay ni Julie sa lahat ng desisyon ni Michael sa buhay, mula sa paninirahan nila sa Amerika hanggang sa muling pagbabalik ng Pilipinas ay ipinagpapasalamat nang husto ng aktor.

May matinding pinagbasehan si Michael kung bakit mahal na mahal niya ang asawa dahil lagi nitong inuuna ang plano ng aktor sa kanyang karera. Bale 18 years na ang relasyon nina Michael at Julie.

Isa na lang ang hindi sinasagutan ng “Yes” ni Julie at ito ay ang pagbili ni Michael ng motorsiklo o scooter.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy