Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Janine kinopya ‘Himala’ ni Nora

0 344

Hindi si Lotlot de Leon, kundi ang anak nitong si Janine Gutierrez ang nag-revived ng “Himala”, ang itinuturing na Asian classic film of all time na pinagbidahan ng nagi-isang Superstar na si Nora Aunor.

Pero hindi ito pelikula kundi sa isang campaign na may titulong ‘Himala’ na ang alam ko ay para sa isang bagong beauty product endorsement.

Makikita sa Instagram ni Janine ang larawan na may skycraper backdraft, white sand at suot ang puting bestida.

Ni-reenact ni Janine ang iconic pic ng lola niyang si Nora na nagdadasal sa burol. Magkadikit ang mga palad nito na may nakasabit na necklace crucifix.

Hindi puwedeng pagkumparahin ang larawan ni Janine sa Himala picture ni Nora dahil magkaiba ang project.

At least, hindi man nagawa ni Lotlot na i-remake ang pelikula ng kanyang ina, kahit sa ibang project nagawa naman ni Janine.

‘Yun nga lang, agad na humamig ng batikos si Janine, dahil para sa mga Noranian, sagrado at hindi basta-basta puwedeng i-remake ang movie na `yon ni Nora. Hindi nga raw bagay kay Janine ang ‘Himala’, ha!

***

Bunny Paras nagpaturok ng ‘Moderna Vaccine’

Naturukan na ng COVID-19 vaccine ang dating aktres na si Bunny Paras. Si Bunny ay naging member ng “That’s Entertainment” at nakagawa ng maraming pelikula, TV show noong 90s.

Nakababatang kapatid siya ng aktres na si Sharmaine Arnaiz.

Nakatira na sa Amerika si Bunny kasama ang American hubby at mga anak.

Nakaposte sa Instagram ni Bunny ang video nang pagpapaturok niya ng vaccine.

Sa ikalawang pic makikita ang vaccine record card nito, na ang vaccine na itinurok sa kanya ay Moderna.

Noong Sabado (January 16), nagpaturok si Bunny base na rin sa nakasaad sa record card.

Masaya si Bunny sa pagpapa-vaccine at sey nya sa caption, ‘1st dose pa lang ito at aantayin ang susunod na dose’.

Si Bunny ang kauna-unahang Pinay star na nasa States, ang naglantad ng pagtanggap sa bakuna kontra COVID-19.

***

Maymay sabik na sa ina

Sobra-sobra na ang pagtitiis ni Maymay Entrata para lang masiguro ang kaligtasan ng kanyang ina na si Lorna. Hindi lang Christmas, New Year pati na ang ilang buwang ECQ at GCQ, ang pinalampas ni Maymay na hindi makasama ang kanyang pamilya, kundi maging ang kaarawan mismo ng nanay nya.

Pinoste ni Maymay sa kanyang Instagram ang throwback travel photos nila ng mama niya para pahalagahan ang kaarawan nito.

Sa birthday message ni Maymay ramdam ang paghihirap ni Maymay sa pananabik nito sa Mama niya, na hindi man lamang niya makita, makasama at mayakap.

“Happy birthday mahal kong ina. Sobrang miss na miss na kita. Hindi man tayo magkahawak ng kamay ngayon basta hawak ng Diyos ang kaligtasan mo ay sapat na sakin. Balang araw magkakasama ulit tayo. Mahal na mahal kita ma,” sabi ni Maymay.

Nasa Dubai si Maymay ngayon at nasa Japan naman ang kanyang ina.

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.