Una sa Balita

Janine kawawa sa mga fan ni Maine dahil kay Alden

By
0 2,542

Pinost ng isang netizen ang pagsimula ng taping ni Alden Richards ng pagbibidahan niyang teleserye na Mitho kunsaan kasama nito si Janine Gutierrez.

Noong April 12 pa nag-first taping day si Alden kasama si Janine, ayon sa netizen na mukhang kasama rin sa teleserye. Ang naturang netizen ang nagkumpirma na sa Ta­nay, Rizal mansion ng former Philippine President Joseph Estrada naganap ang first taping day ni Alden pagkabalik nito mula sa Amerika.

Si Janine lang ang na-confirm ng netizen na leading lady ni Alden. Hindi nito nabanggit ang tungkol kay Jasmine Curtis-Smith na kakapirma lang ng kontrata sa GMA-7.

Maraming fans na nag-react sa post na ito ng netizen patungkol sa bagong teleserye ni Alden. As usual, may mga na-disappoint na hindi si Maine Mendoza ang leading lady ni Alden sa telefantasya na pagbibidahan nito.

Kaya ngayon pa lang, sangkatutak na ang panlalait ng mga maka-Maine kay Janine, ha! Naku naman, kelan ba matututo ang mga fan na ito, na trabaho ito, at talent lang sila sa GMA 7, kaya hindi sila puwedeng tumanggi sa kagustuhan ng mga bossing nila.

And besides, si Maine naman ang ayaw na ring gumawa ng teleserye, no! So, ano ba ang mahirap intindihin doon? Eh, kailangan naman ni Alden na magtrabaho at passion talaga niya ang pag-arte.

Kaloka talaga ang mga fan.