Una sa Balita

Janine, Jasmine tuloy ang agawan kay Alden

By
0 3,175

Sina Janine Gutierrez at Jasmine Curtis-Smith na raw ang makakasama ni Alden Richards sa pagbibidahan nitong telefantasya sa GMA-7 na may titulong Mitho.

Pinaghahandaan na nga raw ni Alden ang telefantasya na ito kaya naman puspusan itong nagpapaganda at nagpapalakas ng katawan dahil hitik sa action scenes ang telefantasya na ito.

Excited na rin daw itong makatrabaho for the first time sa isang TV series si Janine Gutierrez na huling napanood sa teleserye na Sherlock Jr. Matagal nang may mga fan ni Alden na gustong ma-partner ito kay Janine dahil bagay naman daw silang dalawa.

Si Jasmine naman ay nakasama na ni Alden sa movie na Imagine You & Me. Ito ang matagal nang project na ayaw banggitin ni Jasmine noong minsan ay tanungin siya tungkol sa pagsasamahan nila ni Alden na TV show.

Kukunan daw ang ilang eksena ng Mitho sa da­lawang bansa sa Asia. Kaya isa ito sa masasabing pinakamalaking telefantasya ng Kapuso Network.

At siyempre, super galit na naman ang mga fan ni Maine, dahil dapat nga ay ang idolo lang nila ang makasama ni Alden. Well… (Ruel Mendoza)