Una sa Balita

Janine Gutierrez, natotomboy sa ganda ni Liza Soberano

By
0 28

Lumabas ang pagiging fan ni Janine Gutierrez nang magkrus ang landas nila ni Liza Soberano sa nakaraang Star Magic Ball nang dumalo sila ng nali-link sa kanyang si Rayver Cruz. Aminado­ ang Kapuso actress na fan na fan siya ni Liza kaya naman unforgettable ang moment na ‘yon. Biro nga namin, mukhang natotomboy si Janine kay Liza, ha!

Tinanong din si Janine sa pocket­ interview niyang ibi­nigay ng bago niyang­ manager, si Leo Dominguez ng LVD Management kung nagkita rin ba sila ng ex-boyfriend niyang si Elmo Ma­galona.

beach skin and red for luck ♡ @antheabueno @ethandavid_ @qurator_studio

A post shared by JANINE 🌺 (@janinegutierrez) on

“The place is so big eh kaya hindi kami nagkita. If ever namang magkita kami kikibuin ko naman siya. Okay naman kami ni Mo,” rason niya.

Pinabulaanan din ng Kapuso actress na balak­ na niyang lumipat ng network dahil lang nakita siya sa ball. Ayon kay Leo, under negotiation na ang renewal ng kontrata ni Janine sa GMA na nagbigay sa kanya ng starrers na Once Again, Dangwa at Legally Blind.

Sa ngayon, katatapos lang niyang gawin ang horror mo­vie na The Spi­rit of the Glass 2 at kasalukuyang ginagawa ang digital series na Unbroken Hearts.

Jinri Park, pigil na pigil sa paghuhubad

Nagpigil ang Korean actress na si Jinri Park sa eksenang naka-two-piece bikini siya sa episode last Monday ng My Korean Jagiya. Hinayaan niya sina Heart Evangelista at Valeen Montenegro ang magbuyangyang ng kanilang alindog sa swimsuit battle sa eksena.

Pero sa ginawang 2018 calendar na ginawa ni Jinri, buong ningning na muli siyang nagpasilip ng alindog sa ilang photos na pinasilip niya sa Instagram pati na ang ilang BTS (behind the scenes) habang kinukunan siya.

Ibinahagi rin ng taal na Koreana ang hirap at dusa niya bilang modelo na inaakala ng marami na mada­ling trabaho.

Young actress, lalayasan na ang ka-love team na young actor

Iiwan na raw sa ere ng isang young actress ang ka-loveteam ngayon. May balitang last movie na nila ang kanilang tinatapos ngayon.

Eh sa next film na gagawin ng young actress, isang baguhang young actor ang balak ipareha sa kanya ng producer. Kung pagkukumparahin ang baguhang actor sa ka-loveteam ng young actress, ‘di hamak na mas guwapo ang baguhan kesa sa lumang actor, huh!

Kapag natuloy ang pagkalas ng young actress sa dating ka-loveteam, bale ito ang third time na nagpalit ng ka-loveteam ang young actress. Worried nga lang ang ilang concern sa actor kung kanino siya ipapareha kapag naghiwalay na sila ng current loveteam, huh!