Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Janine busog sa pagmamahal ni Rayver

0 62

Puno ng biyaya ngayon si Janine Gutierrez dahil bukod sa sunod-sunod na mga proyekto niya ngayong taon, going strong pa rin ang relasyon niya sa boyfriend niyang si Rayver Cruz.

Kampante na nga raw ang Kapamilya star kay Rayver dahil pakiramdam niya ay magaan ang relasyon nila at hindi ito tulad ng mga nakaraan niyang dyowa na komplikado.

“Things are just easy. I feel like I’ve been in complicated relationships before… But my mom always told me that it should be easy, it shouldn’t have to be so hard. Then when we started going out I was like, ‘oh okay, ito pala ‘yung sinasabi ng mommy ko, pwede pala ‘yun.’ Everything just falls into place and nothing is forced,” chika ni Janine.

Dahil din daw sa pagiging supportive ni Rayver, mas napapadali ang mga desisyon niya sa buhay at hindi na kailangan magdalawang-isip pa.

“I just felt so secure. He’s very encouraging and walang limitations and it’s a good booster. It’s a good thing to not have to worry about anyone else… It just helps that you know that someone will always be there to support whatever decisions you make,” saad ni Janine na busog sa pagmamahal ni Rayver.

Buhos talaga ang swerte kay Janine dahil bukod sa kanyang love life at pagiging cover girl ng Metro.Style, showing na rin ngayon ang pelikula niyang “Dito at Doon” sa iba’t ibang streaming sites tulad ng iWantTFC at ktx.ph. (Dondon Sermino)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.