Una sa Balita

Janine best actress sa QCinema

0 436

Nagwagi bilang best actress si Janine Gutierrez sa 2019 QCinema Film Festival para sa pelikulang “Babae At Baril” noong nakaraang Friday ng gabi.

Gumanap si Janine bilang probinsiyanang walang muwang sa buhay na napadpad sa Maynila. Tinanggap daw ni Janine ang role dahil nakasentro ito sa mga nararanasan ng mga babae sa kanilang workplace.

“Saleslady siya all throughout the film and nag-shoot talaga kami doon sa other part of the mall that you don’t see. Kaya makikita niyo kung ano talaga ‘yung buhay ng saleslady.

“Iba ‘to sa mga nagawa ko, iba ‘to sa mga kuwentong nakita na nila dati. Even for me, super challenging siya dahil wala pang nagawang ganito. ‘Yung character ko, meron siyang malaking shift na pagdaraanan na to the point na parang dalawa ‘yung character niya,” sey ni Janine. (Ruel Mendoza)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy