Una sa Balita

Janine Berdin ng Cebu liyamado sa Tawag ng Tanghalan

By
0 2,897

Hindi mapigilan ni Vice Ganda ang mapaluha nang interbyuhin nito ang Tawag Ng Tanghalan finalist na si Janine Berdin (Cebu) matapos kumanta nitong nakaraang araw ng With A Smile kung saan ay na-secure nito ang unang spot sa Top 6 para sa grand finals na gaganapin ngayong Sabado, sa Aliw Theater.

Ayon nga kay Vice, napakalaking bagay na siya ay mapangiti ng rendition na iyon ni Janine na nakapagbigay sa kanila ng smile dahil sa pinagdaanan niyang depression, pero naluha din siya dahil sa sobrang moving naman ito.

Standing ovation ang ibinigay ng ilang hurado sa kanya, kaya alam na ng iba pa niyang kalaban na malaki ang lamang sa kanila ng 16-year-old finalist na ito.

Hindi lamang ito ang unang pagkakataong napaluha niya ang mga hurado dahil maging si Ogie Alcasid ay hindi rin mapigilan ang sarili nang kantahin niya ang Narda sa semifinals noon.

Trending din ang pinakahuling performance niya dahil umabot na ito ng mahigit na 20 million views sa YouTube kaya marami talaga ang nagsasabi na napakalaki ng chance niyang makuha ang 2nd Grand Champion title ng TNT sa It’s Showtime!

Bongga!