Una sa Balita

Janine bawal manood sa laro ni Rayver

0 2,255

abante-anything-goes-jun-lalinSa presscon ng Victor Magtanggol, ang rumored-boyfriend na si Rayver Cruz ang inusisa ng entertainment press kay Janine Gutierrez.

Aminado ang dalaga na gusto niyang makasama sa GMA 7 si Rayver, pero hindi naman siya nagtatanong dito kung lilipat ba talaga ito sa Kapuso network.

Natawa nga si Janine nang ipaalala sa kanya ng entertainment press na noong una, siya ang natsikang lilipat sa ABS-CBN dahil isinama siya last year ni Rayver sa Star Magic Ball, pero ngayon naman, ang binata ang napapa­balitang pupunta ng Siyete dahil sa kanya.

Abante Hiring – IT dep

“Hindi ako nagtatanong kung lilipat ba siya o kailan siya lilipat,” sabi ni Janine.

Hindi pa nga yata sigurado kung lilipat na nga ba si Rayver sa GMA 7 dahil kasama pa rin ang binata sa basketball event ng Star Magic sa Araneta Coliseum at under ito sa team ni Gerald Anderson. So, manonood ba si Janine ng basketball na ‘yon?

“Hindi, eh. Bawal,” sey pa ng dalaga.

Janine manhid sa panlalait ng mga fan ni Alden

Tungkol naman sa ibang mga namba-bash sa kanya dahil ipinareha siya kay Alden Ri­chards sa Victor Magtanggol, hindi na lang nagre-react ang dalaga dahil hindi naman talaga matindi ‘yon.

Actually, kapag may isang nam-bash naman sa kanya ay mas marami naman ang nagtatanggol.

Nilinaw rin ni Janine na hindi naman dapat mag-react ang ibang mga fan dahil ‘yung team-up naman nila ni Alden sa Victor Magtanggol ay hindi naman talaga nagpo-focus sa love angle.

“Merong ganoon, pero hindi talaga sa ganoon naka-focus ‘yung story,” sabi pa ni Janine.

So, para sa mga basher na will always be haters, magsitigil na kayo, ‘noh?