Una sa Balita

Janine at Barbie, pantasya ni Jeric!

By
Jeric Gonzales
0 7

Matatapos na nga ang Oh, My Mama at hindi pa alam ni Jeric Gonzales kung ano ang magiging next na teleserye niya. Wish nga niya na sana ay mapasama siya sa telefantasya na Encantadia o sa pagbabalik ng Mulawin.

“Hindi naman tayo choosy sa roles, eh. Kahit na maging kontrabida ako, okey lang. Mas may challenge sa akin kapag kontrabida ang gagawin ko,” sabi ni Jeric.

Wala ngang permanent na ka-loveteam ngayon si Jeric at open siyang makapareha ang kahit na sino sa mga Kapuso leading ladies. Pero may dalawang Kapuso actresses na gusto niyang maka-partner sana.

“Matagal ko ng crush sina Janine Gutierrez at Barbie Forteza. Si Janine, noong makasama ko siya sa Once Again, gandang-ganda ako sa kanya. Si Barbie naman, natutuwa ako sa kanya. Ang cute niya at ang galing niyang umarte kahit sa comedy or drama. Kaya silang dalawa ang gusto kong maka-partner sana,” sabi pa ni Jeric.