Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Janine ayaw makasama ng mga Kapamilya star – Paulo

0 1,421

Tuloy-tuloy ang asaran nina Paulo Avelino at Janine Gutierrez sa Twitter, Instagram, na umabot nga hanggang sa taping ng Kapamilya teleseryeng “Marry Me, Marry You”.

Sa unang tingin, iisipin mong nagkakapikunan na nga sila. Pero, nakakaaliw lang talaga ang sagutan nila sa Instagram Stories kung saan nag-post si Paulo ng picture ni Janine na nakatalikod, nakatayo mag-isa habang nakatingin sa malayo.

“Tama yan @janinegutierrez. Pagsisihan mo lahat ng kasalanan mo sa akin!” sabi ni Paulo.

“Sa totoo lang nagdadasal ako na magbago ka na @pauavelino!” sagot naman ni Janine na ayaw ring patalo.

Agad ding humirit si Paulo na ayaw sa kanya ng iba nilang mga co-star kaya wala siyang kasama habang nasa lock-in taping.

“Kaya ka mag-isa riyan kasi ayaw ka ng cast kasama. Sa totoong totoo lang @janinegutierrez,” sabi uli ni Paulo.

Well, natutuwa ang mga fan sa masayang biruan ng dalawa na nagsimula sa Twitter, napunta sa Instagram. Inaasar kasi ni Paulo si Janine noon na palaging kumakain ng turon kaya laging hinahanap ng direktor nila sa serye.

Anyway, todo abang ang mga fan sa kilig scene nila bilang sina Andrei at Camille sa “Marry Me, Marry You.”

Sa takbo ng serye ngayon, mas nagiging close na ang dalawa pagkatapos nilang ipagtanggol ang isa’t isa mula sa panlalait ng ama ni Andrei na si Emilio (Edu Manzano). Malala kasi ang hindi pagkakasunduan ng mag-ama at si Camille ang nagsisilbing number one supporter ni Andrei.

Pero mukhang magkaka-isyu ang pagiging close nila dahil umamin na rin si Cedric (Jake Ejercito), ang best friend ni Andrei, na may gusto siya kay Camille at plano niyang ligawan ito.

Dahil sa namumuong love triangle nila, naguguluhan tuloy ang fans kung sino ang mas bet nilang makatuluyan ni Camille. (Dondon Sermino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.