Una sa Balita

Janella tumalak sa mga nanlait sa kilay niya

0 645

tonite-oh-laban-ka-rey-pumaloyPinairal ni Janella Salvador ang paninindigan na huwag magpadala sa mga nangingialam sa gusto niyang gawin.

Sa kanyang Ins­tagram post, nagmatigas si Janella sa ilan niyang mga follower na huwag sundin ang mga ito sa kanilang mga suggestion tungkol sa kanyang kilay.

Nag-post si Janella sa kanyang Instagram wall ng close up shot ng kanyang mukha para i-emphasize hindi lang ang kanyang mukha kundi ang kanyang mga kilay.

Sa biglang tingin, aakalain mo na gusto lang ng Kapamilya actress na ipakita sa kanyang mga fan ang kanyang magandang mukha, pero ang pinupunto pala nito ay ang kanyang kilay. Bagama’t maganda ang pagkakahubog ng eyeliner sa kilay ni Janella, mapapansing may nagkalat na buhok sa dulo na hindi nasayaran nang brow liner.

Ito ang dahilan ng caption ni Janella na  nagsasabing huwag pakialaman ang kanyang eyebrow.

“Dear people who repeatedly tell me to ‘clean’ my brows, I am going to keep this short and simple: No. Sincerely, me.”

Ilan sa mga natuwa at nagpakita ng support kay Janella ay sina Jane Oineza at Alyana Asistio.
@janeoineza, “Yesssss”.

@alyanaasistio, “Soooo beautiful!!! @superjanella don’t let anyone tell you what to do! As long as you’re happy and not stepping on anyone! GROW THOSE BROWS”.

Ang posting na ito ni Janella ay pagpapatunay lamang nang pagiging independent-minded ng young actress.

‘Wag manganak kung hindi kayang alagaan’Iñigo sinita ang mga pabayang magulang

Sa  hindi na mapigil na kabuwisitan sa mga nagkalat na street children, nag-tweet ng kanyang pagkayamot si Iñigo Pascual sa hindi fair na pagtrato ng marami sa gobyerno dahil sa kahirapan at pagdami ng mga batang kalye.

“I’m so done seeing kids asking for money from people in cars…kids are meant to have a childhood…they deserve to play learn life…

“Wag manganak kung hindi kayang maa­lagaan. Hindi nila kasalanan na hindi kaya ng magulang nilang suportahan sila.”
Nasundan ito ng isa pa niyang tweet na nagpapahayag ng understanding niya sa gobyerno.

“This! Oo corrupt ang gobyerno natin! Lahat naman ng bansa may sari-sariling pagkukulang. Pero di ibig sabihin na yun lang ang rason kung bakit naghihirap. Laging pwedeng merong gawin at laging isipin ang mga bata ay (may) karapatan maging bata.”

Humanga ang maraming mga fan at supporter ni Iñigo sa naging obserbasyon nito sa nakitang problema ng society, partikular na ang patuloy na pagdami ng mga batang kalye.