Una sa Balita

Kinuyog ng fans Janella nasapak, Elmo nakaladkad

By
0 3,730

Kinuyog ng fans sina Janella Salvador at Elmo Magalona sa Harbour Point sa Subic last Friday habang palabas na sila ng mall. Hindi kinaya ng security ang dumagsa na fans para manood ng show bilang bahagi ng promotions ng dalawa sa Valentine movie nilang My Fairy Tail Love Story.

Ayon sa kuwento ng handler ni Janella, natamaan pa o nasapak ang mukha ni Janella ng kamay ng fan na lalaki. Si Elmo naman daw, kabilaan ang humihila sa kanya. Nahila rin ang suot niyang damit kaya napunit.

“Ang gulo ng paglabas namin sa mall. Hindi kinaya ng security yung mga tao,” say pa ni Beth sa promo group ng pelikula sa Viber.

May nakita namang tweet si Pia Magalona tungkol sa pangyayari mula sa isang @superLazzyyy. “Pero ang the best talaga nung paalis na yung ElNella e. Hahaha. May nabasag na salamin dahil dinumog na talaga sila ng fans (including me, guilty). May nakayakap kay Moe huhuhu swertiiii.”

Ayon naman sa Regal staff na kasama sa mall show, lalagyan ng fire extinguisher ‘yung salamin na nabasag. Hanggang fire exit daw kasi ay sumunod sa kanilang idolo­ ang mga fan.

Nag-apologize naman daw ang Ayala dahil sa nangyari dahil naging wild ang fans na nag-aabang kina Elmo at Janella.

Nung ginanap naman ang gimik na Be Mermaid for a Day sa isang hotel sa Timog, nadulas si Janella kaya nagkapasa sa ­binti at braso niya.