Una sa Balita

Janella, McCoy natakot kay Maricel

0 473

Feeling ni Maricel Soriano nu’ng unang salta niya sa Regal Films, hindi siya gusto ni Mother Lily.

“Mahilig si Mother sa mapuputi at magaganda. Hindi ako kasali roon. Si Cookie (Snooky Serna) at Gabby (Concepcion) lang ang maganda!

“So sabi ko, ‘Paano ba ‘yan? Hindi tayo feel ni Mother?’ Pero sabi ko, okay lang, dahil mahal ko si Mother. Ang turing ko kay Mother, nanay ko talaga!

“Hanggang sa naglaon, heto na tayo ngayon, gusto ko lang makita talaga si Mother na masaya siya! Ako, ang wish ko talaga, maging haping-happy si Mother.

“At gusto ko, laging nandito ako sa Regal. Kung kailangan nila ako, nandito ako.

“Kulang na nga lang sabihin ko, kahit walang bayad pero huwag naman. Kailangan ko ring kumita! Ha! Ha! Ha! May mga anak ako.

“Pero kung tutuusin, talaga, gagawin ko ‘yon para kay Mother. Nang walang pag-iimbot at buong katapatan!” pahayag ni Marcel sa grand reveal mediacon ng bago niyang movie sa Regal na “The Heiress”.

Ano naman ang feeling niya nang hindi makasama sa festival ang horror film niya?

“Huwag nating kuwestiyunin ‘yan! Malay natin, may planong iba ang Diyos para sa amin at mas maging maganda ang resulta nito sa takilya,” rason ni Diamond Star.

Sa grand reveal mediacon, nagkaroon ng pagkakataon ang media na masilayan ang bagong evil creature na ang tawag ay Mamalarang.

Malalaman din ng publiko kung ano ang pagkakaiba ng mangkukulam sa mamanarang.

Sa young stars na nakasama ni Maria sa movie, happy set ang nangyari sa kanila at sinabihan niya sina Janella Salvador at McCoy de Leon na huwag matakot sa kanya dahil, “Hindi ako nangangagat!”

Marami nga kasing mga baguhang artista ang takot na takot kay Marya. At kasama nga sina Janella at McCoy sa mga natatakot sa kanya.

Sa sobrang husay kasing artista ni Maricel, kahit sino ay kakabahan ka talaga na makaeksena siya. At ‘di ba nga, may katarayan din kasi ang image nito, kaya matatakot ka talaga.

Pero, napatunayan nga nila na hindi dapat katakutan si Marya, lalo na at ginagawa mo naman ang trabaho mo. Katunayan, si Marya pa nga ang gumagawa ng paraan para maka-bonding ang mga co-star niya.

Kaya sobrang lucky raw nina McCoy at Janella na nakasama nila ang Diamond Star.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy