Una sa Balita

Janella-Markus relasyon kinontra ng mga fan

0 270

Spotted na magka-holding hands while walking ang “The Killer Bride” star na si Janella Salvador at ang aktor na si Markus Paterson. Kamakailan lang ay umugong din ang tsika na may namamagitan sa kanila. So what is the meaning of this? Totohanan na nga ba ang tsika na iyon?

Pero wait, may mga kinikilig man sa pagsasama ng dalawa, marami pa rin ang hindi sang-ayon sa posibleng namamagitan sa dalawa.

Bakit? Eh kasi ayon sa mga fan, bago pa man si Janella ay usap-usapan na naka-date naman ng aktor si Ylona Garcia. Bago rin kay Ylona ay sinasabing naging date din umano nito si Heaven Peralejo.

So sabi ng mga netizen, nalilito na sila kung sino ba talaga ang tunay na laman ng puso ni Markus. Pero para naman sa iba, huwag daw lagyan ng malisya ang lahat ng mga nakakasama ng aktor.

Anyway, karamihan din ng mababasa sa comment sa litrato nina Janella at Markus, sinasabing mas mabuti pa kung si Joshua Garcia na lang ang maging date ni Janella. (Athena Yap)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy