Una sa Balita

Janella hiyang-hiya sa halikan kay Joshua

0 499

Hiyang-hiya si ­Janella Salvador sa huling lambingan nila ni Joshua Garcia para sa The Killer Bride. Makikita nga ang video na kung saan ay sabay-sabay nilang pinanood ang final episode ng teleresye nila, at nung dumako na sa eksena na kung saan ay naglalambingan sila ni Joshua, na ­nauwi sa halikan, super takip ng mukha si Janella, ha!

Eh, tuwang-tuwa si Maja Salvador sa eksena, kaya panay ang tukso niya kay Janella, at panay rin ang kuha niya ng video sa dalaga, habang panay nga ang takip sa mukha nito.

Well, first time nga ni Janella na makipaghalikan, dahil sa mga nauna nilang project ni Elmo Magalona, parang puro pahapyaw lang ang mga halikan nila.

Pero dito sa halikan nila ni Joshua, ­puwedeng sabihin na medyo ­tumodo nga siya, dahil kusa niyang ipinaubaya ang kanyang mga labi sa laplaperong si ­Jo­shua.

Wish ng mga fan na masundan pa ang ­project nina Janella at Joshua dahil may kilig factor nga raw sa ­pagitan nila. (Dondon Sermino)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More