Una sa Balita

Janella, Elmo nagharap, nag-usap sa Canada

0 1,051

abante-anything-goes-jun-lalinNasa Canada na ang stars ng One Magical Night 2018 Tour sa pangunguna nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo dahil kagabi (ngayon dito) ay may show na sila sa The Ge­nesis Centre sa Calgary.

Of course, kilig-kiligan ang mga fan sa KathNiel at expected na ‘yon.

Pero ang minamatyagan ng lahat ngayon, ‘yung pagsasama nina Elmo Magalona at Janella Salvador doon dahil sa sinasabing problema sa pagitan ng da­lawa.

May mga nagsasabi ngang mabubuwag na raw talaga ang ElNella love team ng dalawa, huh!

Isang kasama nila sa nasabing concert tour ang inusisa ko.

May duet pa ba ang dalawa?

“YES!” ang sagot ng isang kasama nila sa nasabing concert tour.

Matagal na nilang commitment ang concert tour na ‘yon, kaya kahit pa nga kung ano-anong problema ang nababalitaan natin sa pagitan nina Elmo at Janella ay kahanga-hanga pa rin sila dahil nagagawa nilang magpaka-professional.

Kasabihan nga sa showbiz, the show must go on!

Pero who knows, baka dahil nga sa One Magical Night 2018 Tour sa Canada ay maayos ang anumang problema sa pagitan ng dalawa.

Oo nga pala, kahapon ay nag-post sa social media ang dating singer na si Lerma dela Cruz ng mga picture ng mga star ng nasabing concert series at magkasama naman ang ElNella, kaya tinawagan ko si Tita Lerma.

Sabi niya, nag-uusap naman daw sina Elmo at Janella.

“Professionals naman sila. Huwag namang OA (over acting) ang iba na akala hindi nag-uusap ‘yung dalawa. Although hindi siyempre sweet, pero wala kaming problema. Pati ‘yung pictures na naka-post sa social media accounts ko, kanina lang ‘yon.

“Basta masaya ako na wala akong problema sa kanila! May duet din sila sa show, hindi puwedeng wala!” sabi pa ni Tita Ler­ma nang makausap ko kahapon ng umaga.

Wow, at least, good news ‘yan para sa mga fan ng ElNella, huh!

 

Mga loyal fan ni Regine nagbunyi

Nagre-rejoice ang loyal fans ni Regine Velasquez-Alcasid dahil sa paglabas ng ratings ng ASAP at GGV (Gandang Gabi Vice) mula sa Kantar Media dahil panalong-panalo nga ‘yon sa katapat nilang shows sa GMA 7.

Waging-wagi nga ang bagong Kapamilyang si Regine.

Eh, binash na siya ng ibang mga fan na obvious­ly ay maka-Kapuso network,­ kaya ang mga maka-ABS-CBN, sobrang nagse-celebrate ngayon dahil napatunayan nilang inabangan at tinutukan­ talaga ang ASAP Live in Sydney kung saan in-introduce ang Asia’s Songbird, pati ang gues­ting niya sa show ni Vice Ganda.

May inilabas din ang Kapamilya network na hindi lang sa ratings panalo si Regine, pati rin daw sa social media dahil sa napakaraming views ng tungkol sa pagiging­ bagong Kapamilya ng misis ni Ogie Alcasid.

Oh, well, ang saya-saya na ng mga nananalig kay Regine!

At sa mga basher na nagbunyi noong una dahil sa ratings mula sa AGB, magsitigil na kayo dahil nauna na kayong nakapag-celebrate, ‘noh?!

Anyway, marami na sa mga fan ni Regine ang tutok na ngayon sa concert series niya sa The Frontier Theater sa Araneta Center, Cubao, ang Regine at the Movies dahil sa November 17, 24 at 25 na ‘yon!

 

Mother Lily super indak sa Cebu

‘Katuwa sina Annabelle Rama at Mother Lily Monteverde, talagang BFF na BFF silang dalawa ngayon.

Ang bongga dahil noong Tuesday, sumama pa si Mother Lily kay Bisaya at Eddie Gutierrez sa Cebu.

Sa Cebu Country Club kasi nag-celebrate ng birthday si Bisaya noong Wednesday, kaya hindi puwedeng absent si Mo­ther Lily.

Dance pa nga nang dance si Mother Lily at halatang enjoy na enjoy.

“Umalis na siya noong Thursday morning. Bumalik na ng Maynila. Sobrang nag-enjoy,” sabi pa ni Bisaya.

Nauna na raw si Mo­ther Lily dahil aasikasuhin pa ang promotions ng pelikula niyang Recipe for Love.

Alam mo naman si Mother Lily, siya pa rin ang tutok na tutok sa publicity and promotions ng kanyang mga pelikula, huh!

Hanggang kahapon naman sa Cebu sina Bisaya at Tito Eddie at balik-Maynila na rin sila kagabi dahil may mga aasikasuhin din sila rito.

Si Tito Eddie rin ay kailangan nang bumalik sa taping ng Cain at Abel dahil malapit na rin naman silang mag-pilot sa primetime ng GMA 7.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy