Una sa Balita

Janella-Elmo, hindi pa ka-level nina JaDine at LizQuen!

By
0 10

Ramdam ni Janella Salvador ang pressure ng loveteam nilang dalawa ni Elmo Magalona. Bilang “ElNella” na makukumpara sa mga solido na ngang loveteams katulad nina Kath­Niel, JaDine, LizQuen ng Kapamilya network, alam niya na mahaba pa ang lalakbayin ng kanilang tandem.

Magsisimula nga ito sa Primetime teleserye na Born For You, pero naniniwala naman ang Kapamilya young actress na mamahalin din sila ng televiewers.

“Marami ngang fans ang nagri-react, hindi naman po maiiwasan ‘yun. Pero, marami naman pong fans ang nagsasabi na susuportahan nila kami.

“We’re hoping naman, pero it’s not good naman to expect too much din. So, we’re just really enjoying what we’re doing and we’re just hoping for the best for the show. Yun lang,” sey ni Janella.

Ano nga ba ang kaibahan ng loveteam nila sa mga loveteam na nabanggit?

Paliwanag ni Janella, “Siguro, kami lang ‘yung loveteam na we’re just gonna focus din sa music.

“What makes me excited is the music talaga. It’s gonna be a big part of the show.

“And I’m excited about it ‘coz there’s so many surprises. I have a good feeling about the show, kasi reading the script pa lang, sobrang ganda na ng show.”

Handa na rin ba siyang makum­para ang show nila lalo na’t ang papalitan nila ay ang show ng loveteam na KimXi kung saan tinangkilik din ng madla ang tele­seryeng The Story of Us nina Kim Chiu at Xian Lim?

“Well, hindi naman talaga maiiwasan ang comparison pero… We don’t want to compete naman,” sabi pa niya.

Paano ba sila nag-adjust sa isa’t isa lalo na’t pareho silang galing sa isang loveteam na halos established na rin naman. Si Janella kay Marlo Mortel, samantalang si Elmo ay kay Janine Gutierrez?

Ayon pa kay Janella, “Ako, heto kasi ‘yung very first soap ko na nandiyan talaga ang romance. Kasi, ‘yung first soap ko, ‘yung Be Careful, it’s about family.

“Yung second ko naman, it’s about God, so, heto talaga ‘yung…

“Basta, when we talked to each other, naging comfortable naman kami sa isa’t isa.”