Una sa Balita

Janella binasted si Marco

0 469

Nagsalita na si Janella Salvador tungkol sa balitang kumalat na may relasyon na sila ng hunk actor na si Marco Gumabao.

Sa “Tonight with Boy Abunda,” pinabulaanan ni Janella ang tsismis na ito at magkaibigan lang daw sila ni Marco.

Nilinaw din ng aktres ang claim ng isang netizen na sinabihan daw niya si Marco na tumigil sa panliligaw sa kanya. Hindi raw niya ito binasted dahil hindi naman daw nakapagsimula si Marco sa pag­ligaw sa kanya dahil mas mabuti raw na maging magkaibigan muna sila.

“We were just friends. We were getting to know each other. Wala pa kami doon but people started assuming already. So wala, we just talked about it and decided to end things,” diin ni Janella.

Maraming netizen ang nakaramdam na hindi pa handa si Janella na pasukin ang isang bagong relationship pagkatapos ng hindi magandang paghihiwalay nila ni Elmo Ma­galona last year. (Ruel Mendoza)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy