Una sa Balita

Janella ayaw umamin sa relasyon kay Markus

0 404

Kahit super buking na:

“What you see is what you get,” ang maikling sagot na lang ni Janella Salvador kapag tinatanong tungkol sa diumano’y relasyon nila ni Markus Paterson.

Ilang sightings na sa dalawa, hanggang sa ibang bansa. Pero ayon kay Janella na nanggaling sa controversial relationship at break-up last year with Elmo Magalona, less talk na lang daw siya ngayon pagdating sa kanyang private life.

Pero hindi man diretsahang umaamin, since isa si Janella sa mga singer na interpreter­ ng kanta sa 2019 Himig Handog at break-up song pa ang tema ng kanta niya na “Nung Tayo Pa” na sinulat­ nina Rex Torremoro at Elmar Jann Bolano, hindi naman daw siya sad o depressed kahit nang i-record niya ang song.

“Masaya naman ako habang­ kinakanta ko siya. Pero sabi ko, kailangang maramdaman ko yung pain kaya ang ginawa ko, talagang ninamnam ko na lang yung song.”

Kung dati raw, pabebe pa siyang kumanta, talagang iba raw ngayon ang entry niya sa Himig Handog dahil para kay Janella ay power ballad ang kanta at heartfelt since break-up song nga.

Bale 12 bagong kanta ang maglalaban-laban sa 2019 Himig Handog na ang Grand Finals ay sa October 13 sa “ASAP NATIN ‘TO.”

Wife material si Gabbi – Khalil

Parang napaka-solid ng relasyon ng Kapamilya star na si Khalil Ramos sa girlfriend na si Gabbi Garcia, isang Kapuso. Mag two years na raw ang relasyon nila at mabilis­ na “happy kami” ang sagot ni Khalil nang kamustahin­ ang relasyon nila.

Ang magandang foundation daw ng relasyon nila ni ­Gabbi para kay Khalil na isa sa rason kung bakit okay sila.

“Walang halong showbiz, kasi kami naman, hindi naman kami built sa industry kaya kami nag-connect. And maybe, we learned so much na rin through the years sa relationship. Yung communication namin, that’s one and okay yung pamilya namin sa isa’t-isa. Okay yung buong pamilya niya sa akin, okay yung buong pamilya ko sa kanya. Very strong yung foundation.”
Kumpara sa ibang mga showbiz young sweethearts/couple, nakapag-travel na rin daw sila ni Gabbi sa ibang bansa, pero never pang silang dalawa lang.

“Hindi pa pinapayagan si Gabbi which I really ­understand,” sabi naman niya.

At kahit na parang seryoso at solid na ang relasyon nilang dalawa, hindi pa raw nila pinag-uusapan ni Gabbi ang mas seryosong bagay tulad ng kasal.

“Wala pa kami dun and hindi rin namin talaga dini-discuss, una, parang ayokong ma-jinx. But yeah, she has the potential, yung wife potential talaga.”

May horror movie si Khalil under Reality Films, ang “The ­Ghosting” na pinagbibidahan nila ni Andrea Brillantes at sa direksiyon ni Joey de Guzman.

Nagkasama na raw sila ni Andrea sa Anna Liza noon at talagang ­nakita raw niya kung paano mas matured na si Andrea ngayon as an actress.
Sa The Ghosting, pure horror daw talaga ang pwedeng i-expect ng mga manonood simula sa showing nito sa August 28.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy