Una sa Balita

Jane pumogi, bet ng kababaihan

By
0 2,539

Matapos mag-post ni Jane Oineza ng salitang ‘Change’ sa kanyang Instagram, marami ang nag-akala na ito ay lilipat na rin sa Kapuso Network. Walang sinagot sa mga nagtatanong sa kanya tungkol dito, kaya, mas lalong umugong ang balita.

Pero, ginulat niya ang mga netizen nang mag-post siya na ang ‘change’ pala na sinasabi niya ay may kinalaman sa kanyang look. Yes, pa-summer effect ang kanyang haircut ngayon na maikli at stylish.

Bongga at positibo ang reaksiyon ng mga fan dahil mas fresh-looking siya at kita na rin ang kanyang cheekbones, huh! Ibig sabihin ay tinotoo niya ang pangako niya noon na magda-diet dahil tumaba nga siya na marami ang nag-nega sa kanya.

Well, pasabog nga ang new look na ito ni Jane, at ang daming babae ang nagka-crush sa knaya sab ago niyang itsura, ha! Ang guwapo nga raw ni Jane. Hahahaha!

Ikaw na, Jane!

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy