Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Jane pinagtabuyan si Cardo Dalisay

0 25

Tinuldukan na ni Jane De Leon (Lia) ang pagiging magkakampi nila ni Coco Martin (Cardo Dalisay) matapos niya itong palayasin at ang buong Task Force Agila sa pamamahay niya sa teleseryeng “FPJ’s Ang Probinsyano.”

Lubos na nasaktan si Lia sa ginawang pagtatraydor ni Cardo nang lusubin nito ang headquarters ng mga kasamahan niya sa Black Ops, taliwas sa napagkasunduan nilang dalawa. Dahil sa ginawa ni Cardo, nasa kritikal na kondisyon ang dating kasintahan ni Lia na si Albert (Geoff Eigenmann).

Maging ang mga kasama ni Cardo sa Task Force Agila, lalong lalo na si Diana (Angel Aquino), ay nagalit sa ginawa niya dahil inilagay niya sa kapahamakan ang kanilang buong grupo.

Habang nagkakagulo ngayon sina Lia at Cardo, dinukot naman ng mga ‘di kilalang lalaki ang kapatid ni Lia na si Audrey (Aya Fernandez).

Saan na magtatago ang Task Force Agila ngayong wala na silang lugar sa pamamahay ni Lia? Magkabati pa kaya sina Lia at Cardo para masagip si Audrey? (Dondon Sermino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.