Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Jane pahihirapan bago patayin ni Coco

0 48

Nabalot nang paghihiganti ang puso ni Cardo (Coco Martin) dahil tuluyan na niyang binihag si Lia (Jane De Leon) ng grupong Black Ops para parusahan ito sa “FPJ’s Ang Probinsyano,” na napapanood gabi-gabi sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.

Pagkatapos ng maaksyong engkwentro sa pagitan nilang dalawa, tinangay ni Cardo si Lia at nangakong uunti-untiin ang pagpapahirap dito hanggang sa mamatay ito.

Sa pagkakabihag niya kay Lia, buo na ang loob ni Cardo na maghiganti sa lahat ng miyembro ng Black Ops, ang grupong responsible sa pagkamatay ng asawa niyang si Alyana.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Habang nananatiliing mailap sa batas si Cardo, pinaghahanap na rin siya nina Lito (Richard Gutierrez), Lily (Lorna Tolentino), at Arturo (Tirso Cruz III), habang wala namang kaalam-alam ang buong Task Force Agila sa kinaroroonan niya.

Saan kaya hahantong ang paghahanap ni Cardo ng hustisya para kay Alyana?

Huwag palampasin ang maaaksyong eksena sa “FPJ’s Ang Probinsyano” gabi-gabi sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, CineMo, Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment, iWantTFC, WeTV, at iflix. Para sa viewers sa labas ng Pilipinas, mapapanood ito sa The Filipino Channel sa cable at IPTV. (DS)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.