Una sa Balita

Jane Oineza bumigay sa love scene kay RK Bagatsing

0 559

Ibang-iba na si Jane Oineza ngayon. Kung dati-rati, may kaartehan sa pagpapaseksi, o tipong parang iiyak pa kapag pinaghubad mo, o sinubukan mong bigyan ng talik scene sa kaparehang lalaki, this time nga, game na game na siya sa matitinding lampungan.

“Meron kaming intimate scene sa Us Again movie!” sabi ni Jane.

Si RK Bagatsing nga ang kapareha ni Jane sa Us Again. At yes, parang super close o sanay na silang dalawa sa mga matitinding lambingan.

“Maraming scene sa movie na nagpakilig kami. Pero yes, may love scene kami. Sa opening pa lang ng movie napag-usapan na ang love scene,” chika ni RK.

“Binigay naman po namin ang best namin sa love scene,” patawa-tawang sabi pa ni Jane.

Anyway, itinanggi ni Jane na nagkaroon sila ng relasyon ni RK noon.
“Hindi pa po nagiging kami!” sey ni Jane.

“Hindi pa niya ako nililigawan!” pabirong sambit ni RK.

“Nagkaroon kami ng chance magtrabaho for the first time noon sa TV.

Sobrang gaan niya kasama. Tawa nang tawa. Aside from work, we hang out.
Masaya siyang kasama. Pero, hindi umabot sa relationship!” sey pa ulit ni RK.

“Pero to answer the question, hindi po kami mag-ex!” sabi na lang ni Jane.

Bata umiyak sa balitang mawawala na si Cardo Dalisay

Apektado na rin ang mga bata sa posibilidad ng pagsasara ng ABS-CBN. May lumutang na video online ng isang bagets na halos maiyak na sa takot na mawala ang Yey channel ng ABS-CBN TVplus at “Probinsyano” dahil baka raw mag-shutdown na ang network.

Ayon sa post ni Nica Guevarra, ang anak niyang si Thirdy ay mahilig talaga manood sa ABS-CBN. Nang mapanood daw nito sa “TV Patrol” ang isyu ng Dos, hindi na ito natigil sa kakatanong dahil baka raw mawala na ang paborito niyang ang shows.

“Mawawala na ba ‘yong TVplus? Gusto ko pa manood ng Yey eh,” inosenteng tanong sabi ni Thirdy.

Nag-reak din siya na parang maiiyak ng sabihin ng nanay niyang mawawala na rin si Cardo Dalisay sa TV.

Painit na talaga nang painit ang isyu ng ABS-CBN. At dasal ng marami na sana ay umusad na ang kaso ng Dos.

Mga artista sa Cebu nagpahayag ng suporta sa Dos

Nagpahayag na rin ng suporta ang ilang mga artista sa Cebu. Para sa Cebuana singer na sina Girlie Laspina at Christian Cayobit, malaki ang natulong ng ABS-CBN network sa kanilang mga buhay.

Ayon sa Facebook post ni Laspina, ang “Tawag ng Tanghalan” ng “It’s Showtime” ang nagbigay-daan para may mapangtustos siya sa medication ng asawa. Sinagot pa nga raw ni Vice ang prosthetics ng asawa.

Dahil din sa “TNT” kaya naman nagkaroon ng kompyansa si Christian Cayobit na sumali ng WCOPA 2019 kung saan nakapag-uwi siya ng dalawang silver medals.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More