Una sa Balita

Jane, McCoy tumakbo nang hubo’t hubad

0 971

abante-paistaran-dondon-serminoNakakagulat ang tapang nina McCoy de Leon at Jane Oineza sa bagong digital series ng ABS-CBN na mapapanood sa iWant, ha! Si JC Santos na kasama rin sa digital series na ito ay matagal nang matapang, at hindi na ako nagtaka na kaya niyang gawin ang mga eksenang ‘yon.

Pero sina McCoy at Jane, bongga talaga! First time ko silang makita na naghuhubad, humahawak ng baril, at nagmumura, ha!

Ang daming eksena ni McCoy na puro boxer shorts lang ang suot niya. Si Jane naman, kundi negligee ay panty at bra din lang ang madalas na outfit.

May shower scene rin sila na hinubaran ni McCoy si Jane. At tumakbo rin silang hubo’t hubad sa isang eksena.

Kaloka rin ang mga dayalog nilang dalawa, ha! Si Jane, parang sanay na sanay magmura, at mukhang problemadong dalaga talaga, at mabuti na lang, mahusay na talaga siyang umarte.

Si McCoy naman, na alam mo namang wholesome rin ang image, pero hayun nga, game na game sa karakter niyang super dilim. Bongga nga ang mga linya niya kay Jane na, “Nalilibugan ako sa ginagawa mo.” Na ang tinutukoy ay ang pagtutok ni Jane ng baril sa kanya.

Ang lakas ng kabog sa dibdib factor ng digital series na “Project Feb. 14” ni Direk Jason Paul Laxamana, ha! Na sa bawat episode, magugulantang ka talaga, at maba-bother rin talaga ang utak at puso mo.

May ganito ba talagang pangyayari sa tunay na buhay? Kung sa free TV ito ipalalabas, sure ako na hindi ito papasa, ha!

At si JC Santos naman, sabi ko nga, noon pa man ay palaban na. Kung sa free TV ay puro pang-itaas lang ang tinatanggal niya, dito nga ay buong ningning siyang naghubo, pakita ng puwet, at may pagkakataon pa nga na medyo masisilip mo ang hindi mo dapat masilip.

Super husay na aktor talaga ni JC. Na ang mga ganitong dark character ay simple lang niyang nagagawa.

“Nu’ng pinitch pa lang ni Direk sa amin, tinanong niya kami kung ready kami, dahil nung nabasa ko pa lang ang material, ang bigat talaga, ang daming nire-require. Pero ako naman as an actress, ang mga nagugustuhan ko naman ay yung talagang mabibigat, na hindi ko pa nagagawa. At may tiwala naman ako kay Direk Jason Paul, may tiwala ako sa DreamScape.

Nagpapasalamat ako na na­bigyan ako ng opportunity na sa akin naibigay ito, na proud na proud ako,” sabi ni Jane.

“Ako naman, hindi ako nagbigay ng limitasyon. Puro bago sa akin itong mga ginawa ko. Inalagaan naman nila kami. Ibinalik lang naming sa kanila kung ano ang kailangan sa karakter,” sey ni McCoy.

“Masuwerte rin ako dahil gentleman si McCoy, mabait siya, at inalalayan niya ako sa mga eksena,” kuwento pa ni Jane.

“Mahirap din, kasi minsan tumataas ang palda niya, ibinababa ko, nawawala ako sa karakter. Nung una ang akala ko siya ang magdadala sa akin, pero ang nangyari parang nag-go with the flow na lang kami, walang ilangan,” sabi pa rin ni McCoy.

Chris Tiu may hamon kay Kate Valdez sa ‘iBilib’

Bibisita ang bida-kontrabida sa teleseryeng “Onanay” na si Kate Valdez sa “iBilib” nina Chris Tiu, James at Roadfill. Ang hamon o misyon niya ay gumawa ng rubik’s cube gamit ang papel at convex glass, at paapuyin ang matchstick.

At sino itong 2 pairs of Kapuso teen couples that will celebrate the impending Valentine’s Day via the “Bilibabols Pasok sa Puso” blow the ball in the heart shape challenge.

Two mysteries are solved in “Street Genius” when the team finds out which metal dropped in a swimming pool is the most explosive and what is the fastest way to create a sinkhole in a box full of sand.

Sa “Huling Hirit,” Chris demonstrates how our brains and eyes deceive us by way of lateral inhibition as he displays a high-contrast illustration. Abangan ‘yan sa favo­rite science show every Sunday morning on GMA!