Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Jane mapanganib ang alindog

0 291

Sexy and dangerous ang dapat itawag kay Jane de Leon matapos itong magpakita ng husay sa isang nakakamatay na sports. Kung ang ilang mga star, baril ang pinagkakaabalahan, archery o pana naman ang training ngayon ng dalaga.

Napa-wow ang mga netizen sa ilang mga photo ni Jane na pinoste niya sa kanyang Instagram na kuha sa kanyang session sa archery.

Mula sa buong porma ng katawan ni Jane hanggang sa paghigit nito sa wire ng pana, kuhang-kuha nito ang isang mala-eksperto sa ganitong sports.

At hindi nga nagkamali ang mga netizen sa inaasahan nilang husay ng aktres dahil sa huling larawan makikitang bull’s eye lahat ng mga tama ni Jane sa target pad.

Sentro o pinakagitna lahat ng mga pinakawalan nitong pana.

Bagamat hindi sinabi ni Jane kung para saan ang pagsasanay na ito, posibleng bahagi ito ng training niya sa Darna na itutuloy na nga sa telebisyon at hindi na pelikula.

Willie pinatikim ng sarap si John

Nadagdag sa mga celebrity si John Estrada at pamilya nito, sa mga nakaranas ng pagiging galante ni Willie Revillame.

Matapos pasakayin ni Willie si Kris Aquino at mga anak nito sa kanyang private chopper at pahintulutang patirahin sa kanyang resort sa Puerto Galera noong lockdown, si John naman ang nakatikim ng ganitong parehong treatment.

Ibinandera ni John sa Instagram ang mga larawan na nasa resort sila.

Nasa background ng mga photo ang chopper na ginamit nila sa paglalakbay.

Nagposte rin ng video ang asawa niyang si Priscilla Meirelles habang sakay sila ng helicopter sa ere. Pinasalamatan ni John si Willie sa naturang video.

Nabaliw si John at ang pamilya nito sa naranasan kay Willie. Dahil sa sobrang tuwa ay sinabi ni John na walang katulad ang kaibigang si Willie.

Aktor nagtitiis sa mabahong hininga ng aktres

Ngayon kami naniniwala na hindi lang bulag ang pag-ibig kundi nababawasan din ito ng pang-amoy. Paano kaya natatagalan ng isang male celebrity ang hininga ng kanyang misis?

Sa tuwing makikita naming nagdidikit ang kanilang mga mukha at halos maghalikan sa kanilang mga IG post, napapaisip talaga kami kung naamoy ba ni mister ang hininga ni misis, o sadyang deadma na siya dahil matagal na rin silang mag-asawa at ina ito ng kanyang mga anak.

Noong malaya pa kaming nakakapag-interview ng face to face sa mga artista, may ilang beses na naming nakapanayam ang misis na ito, na naging TV host at gumawa rin ng ilang movies.

Sa tuwina, lagi kaming napapaatras dahil sa maamoy nyang hininga.

Maganda ang kanyang mga ngipin, maayos naman ang pangangatawan kahit medyo tumaba nga lang pero may problema nga lang sa hininga.

Naiisip na lang namin baka sa gutom lang palagi sa tuwing makakaharap namin ito.

Yun nga lang, paano na ang kanyang mister? Dedma na lang siguro dahil sa pagmamahal.

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.